It’s when you keep on keep on asking but that person keep on keep on lying.
I know the truth. Actually, I had evidence of the truth. The reason why I’m not saying anything about it because I’m waiting for you to be the one to tell me.
Lying to me all the time makes me feel worst about you, about me, about this whole thing.
I’m done asking.
But…
I’m not done with you.
I’m not done with us.
I once lost someone by giving up so easily so I’ll never do the same thing twice.
Nagtatampo ako, oo.
Nasasaktan ako, oo.
Pero hindi ibig sabihin nun sumusuko na ‘ko sa’yo.
Kahit mahirap pinipilit kita intindihin. At nakakaya ko naman.
Since 2014, yearly na may outing ang Clingy. Kaya this year sobrang excited namin sa Elyu! Lahat kasi dagat na dagat naaaa!
Nung una, nakaset talaga na April kami aalis. Pero dahil fully booked ang Flotsam and Jetsam, niresched namin kung kelan may slot. May 6-8, just the right time to unwind before the crazy PH election.
Okay before I start I want to make things clear.This is my blog. No haters or judger allowed.
I am in this trying-to-figure-out-my-life state tapos isama mo pa yung unworthy-of-the-dream-you-have feeling with a little bit of bakit-wala-pa-akong-jowa vibe. In short, I am nowhere… cheret lang. HAHAHAHA Some people called this QUARTER LIFE CRISIS. So ano, 24 pa lang ako, Ineexpect ko ‘to next year pa, why so aga? O baka naman year long experience ‘to? PLEASE LANG AH!!! All caps yan!!!
Trying-to-figure-out-my-life state
I had this viber conversation with ate Levin & Rjane weeks ago tapos dun ko lang na-realize na hindi ko pala alam kung ano talaga yung heart’s desire ko. Hindi ko alam in a way na ang dami ko gusto pero hindi sila tugma, gets? Like gusto ko mag-work abroad pero gusto ko din na palagi kasama yung friends ko. And nung point na yun, sobrang naguluhan ako, naiyak ako sa feeling na back to square one ako. Na after all this years ano yung sense ng mga ginagawa ko? And the big question is, ANO BA TALAGA YUNG GUSTO KO GAWIN?
Tapos may external factor pa na palaging pinaparamdam sakin na ang tanda ko na tapos wala pa nangyayari sa life ko? *disappear*
Dumating ako sa point na feeling ko talaga isa na kong failure. Kasi wala eh, yung mga bagay na dapat meron na yung someone in my age pakiramdam ko wala pa ako lahat. Kaya ayun, I’m still in this journey, inaalam at pinagdadasal kung ano ba yung heart’s desire ko. Ano nga ba yung bagay na gusto ko talaga gawin? Saang path ba dapat ako?
Unworthy-of-the-dream-you-have feeling
May post ako na related dito, check nyo here. Pero need nyan ng password so comment or i-message nyo na lang ako para dun, for some reason hindi ko magawang public yung post na yan, sorry 😦
At this point, to be honest, natatakot ako kapag pinapapicture-out yung self 5 or 10 years from now. Kasi natatakot ako na makita yung sarili ko kung nasaan pa din ako ngayon. Greatest fear ko talaga yung maiwan, yung mapagiwanan ka ng mundo. Yung like one day magigising ka na lang na people are already miles and miles away from you.
May ginagawa naman ako para ma-accomplish yung dream ko, at alam ko din naman na kulang pa yung effort ko. I’m trying naman. Minsan lang talaga nauunahan ako ng takot ko na baka masayang lang lahat ng investment ko sa dream na ‘to. Kaya pakiramdam ko ako lang yung nagpipilit ma-push ‘to to the point na na questioned ko na kung deserve ko ba yung pangarap na meron ako, o baka naman pinipilit ko lang sa sarili ko yun.
*Update: I had this retreat recently lang, and may nag-share na sumating din s’ya sa point na napatanong din s’ya kung deserve n’ya yung dream na meron s’ya. And ang sinabi lang daw ng Diyos sa kanya ‘Anak, hanggang ngayon ba nagdududa ka pa rin sa kaya ko gawin sa buhay mo?’ Ayun nakaka-uplift lang. Sana ma-absorb ko na yun ng buo.
Bakit-wala-pa-akong-jowa vibe
Hmmm… paano ko ba ieexplain ‘to? HAHAHAHA 8 years na akong single. HAHAHA 4th year highschool ako nun, broken hearted, umiiyak, tapos bigla ko sinabi na hindi ako magboboyfriend hanggang hindi ko nakukuha yung diploma ko sa college. Eh mashadong nag-extend. HAHAHA Pero seriously, may mga times na naiisip at natatanong ko sa sarili ko yan. Tapos ang saya pa na lahat ng pinsan ko na mas matanda o nasa generation ko, mga kasal na o kaya engage na or in a realtionship, ako na lang yung single tapos yung susunod sakin na pinsan ko mga 13 years old pa lang. Oh di ba? I’m not speaking in behalf of the female human race, pero ako kasi natatakot ako tumanda mag-isa. Lalo na at only child ako. Natatakot ako na hindi magka-anak. Ayoko lang talaga nung idea na mag-isa sa buhay. At dahil sa fear na yan may mga times na pinipili ko magsettle sa mga bagay-bagay, no label, basta masaya at the moment, yung mag-antay kahit wala naman talaga atang aantayin. May mga maling actions na pinipilit ko ijustify. Struggle ko ‘to ngayon 😦
—-
Like in the ancient story, when Pandora open the box, all kinds of negative emotions came out. Lahat-lahat na. She got scared and close it. When she decided to open it again, Hope came out.
I want the same thing to happen to me. I’m like that box na ang daming negative emotion sa ngayon. I can’t shut it out. At pakiramdam ko kailangan ko to mailabas so that hope can finally came out of me. Lalabas din yan, di ako nawawalan ng pag-asa sa bagay na yun 🙂 Sabi nga nila ‘This too shall pass’
Last Saturday, March 26, 2016, Rowena and I went to BGC for the Walkway event by Church Simplified. Ang saya dahil hindi kami pareho sanay mag-commute papuntang BGC tapos wala pa MRT that day kaya nag-bus kami. Sa bus pa lang ang fruitful na ng kwentuhan namin, future plans, the real deal in making a decision (I’ll try na i-blog din ‘to), current posture of our heart at mga random topics na like yung pagiging always late nya, hahahaha.
When we reached BGC, bigla kami nagutom. HAHAHAHA so kain muna sa SnR. We saw Ogie & Regine, and dahil famous singer yung friend ko, we took the chance na makapagpapicture sa kanila. #fangirling
At dahil hindi na mashado mainit, pumunta na kami sa walkway which is HINDI NAMIN ALAM EXACTLY KUNG SAAN. Ang galing namin eh, hahahaha. Basta lakad lang, ganern.
Finally! Nakita na namin yung Station 7, so lakad pa kami papunta sa Statin 1. Habang naglalakad, na-eexcite na kinakabahan ako. 3 years ko na kasi pinaplano na mag-participate sa walkway pero palaging hindi natutuloy. So ayun na nga, nung nasa Station 1 na kami, usapan talaga namin magrereflect kami at magpaparticipate sa lahat.
Walkway; Reflections on the Stations of the Cross
STATION 1: PETER
Jesus is denied by Peter.
STATION 2: JUDAS
Jesus is Betrayed by Judas.
STATION 3: CAIAPHAS
Jesus is Tried by the Sanhedrin.
STATION 4: PILATE
Jesus is judged.
STATION 5: THE TORTURE GUARDS
Jesus is Flogged.
#CHEAP #BURGIS #MALANDI #MAARTE
STATION 6: BARABBAS
Jesus replaced Barabbas.
STATION 7: THE MOB
Jesus walks to Calvary.
STATION 8: SIMON
Jesus was helped by a stranger.
STATION 9: THE CENTURION
Jesus is Crucified.
STATION 10: MARY
Jesus entrusts Mary to John.
STATION 11: THE THIEF
Jesus promises paradise.
STATION 12: THE DARKNESS
Jesus dies.
You will be asked to go inside the dark tent. And then…
This is placed inside the dark tent.
STATION 13: MARY MAGDALENE
Jesus rises.
Thank you for making a difference in my life.
STATION 14: PETER
Jesus’ invitation.
—-
Almost 3 hours yung journey namin from Station 1 to Station 14. And indeed ang daming realization per station. Sa Station 1 kukuha ka ng red paper tas ilalagay mo dun yung mga down moments mo, pwede na kung may current struggle ka or yung fears mo. Tapos dala-dala mo yung paper na yun as you continue your journey sa walkway. Tapos may itetext ka na tao na pakiramdam mo need ng encouragement, ayun tinext ko yung isang friend ko. Ang galing lang kasi may matanggap ako na text message from a friend din. Pigil luha lang talaga kasi madaming tao, hahahaha.Station 2 naman may paper ulit tapos ilalagay mo dun yung mga nagawa mo na feeling mo, after nun, hindi ka na mahal ng Diyos. Station 3 is about our country, may sample ballot sila na sasagutan mo tas ihuhulog dun sa malaking box. Yung content nung ballot mga traits na dapat meron ka at yung susunod na maglelead ng country natin. Sa Station 4, about helping kids sa Smokey mountain, may donation box sila dun and you can give a generous donation of 5 pesos, pero sympre pwede mo dagdagan yun. Sa Station 5 naman, ummmm… secret, hahahaha. Pero may mga pinagdasal ako dun para sa emotional healing. Station 6, medyo mahirap aminin yung mga struggles na pinagdadaanan lately, mga sins na paulit-ulit na nagagawa. Pero assurance lang dina tlaga yung last statement na “The mere presence of Christ that freed Barabbas has the power to free you too.” Sa Station 7, nung una nagdadalawang isip ako kasi madaming tao, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mapapakali kung hindi ko yun gagawin kaya pumila ako to carry the cross. At first, akala ko magaan yung cross, pero nung nilagay na sa balikat ko, ay! ang bigat nya promise! and habang lumalakad ako ng nasa balikat ko yung cross, iniisip ko kung pano nakaya ni Jesus na buhatin yun ng matagal tas may mga sugat pa s’ya. Nung tapos na at kukunin na nila kuya from Church Simplified yung cross, medyo nakaka-distract kasi ang cute nila, hahahaha (umamin ka Rowena na cute sila, di ba? hahahaha). Isa sa favorite ko yung Station 8, may piece of paper tapos isusulat mo yung prayer mo, then bago mo ilagay sa bowl full of prayers, kukuha ka muna ng isang prayer dun from a complete stranger tapos ipagdadasal mo. Imagine, someone na hindi mo kakilala or nakikita pa is praying for you! Amazing lang di ba? Pinaka-favorite ko yung Station 9. Remember yung piece ng red paper from Station 1& 2 , you’ll be asked to nailed it on the cross. Yes, ikaw mismo ang magpapako nung papel mo na may mga hurt, fear, pain, disappointment lahat na ng negative feelings na dala-dala mo sa puso sa cross. At that moment, while I’m nailing my paper on the cross, pakiramdam ko ako mismo yung nagpapako kay Jesus, na dahil sa mga kasalanan ko kaya nya sinapit yun. Pero I am also reminded kung gaano kalaki yung pagmamahal ng Diyos, na to let His love absorb all my sins. Sa Station 10 naman sobrang kinilig ako, days before the walkway, may nakita ako na post na nagpapasend sila ng picture ng mga nanay. I immediately emailed yung latest picture namin ni mommy. At nakakatuwa lang kasi nakita ko na nakalagay yun dun sa Station. Station 11 naman reminded me to trust the Lord and that He is forever faithful to us.Sa Station 12 may black tent tapos kailangan mo pumasok dun, pagpasok sa loob madilim talaga, then sa isang side ng wall may mesage galing kay Jesus. Nakakatuwa kasi nung nasa station 1 pa lang kami, then nalaman namin na mostly names yung nakalagay per station, akala namin name ni Jesus yung nasa last. Pero nung tiningnan namin yung leaflet wala yung name n’ya dun tapos surprise, nandun S’ya sa pinaka-hindi mo inaasahan na lugar, darkness. Sa station 13, sobrang on-point nung red part (pakibasa na lang sa taas) tapos ang saya sa feeling na isulat yung name nung person o nung group na sobang naka-influence sa life mo. Again, thank you! And lastly sa Station 14, is a promise na there is a love greater than the grave.
—
Ang haba ba? HAHAHAHA sorry naman, di ko lang talaga ma-contain yung feeling after ko ma-experience yung walkway 🙂
And hindi ko alam kung bakit, pero nakakagulat na nakakatuwa na Saturday ng holy week ‘ko ‘to nagawa. Talagang a year after my post, Forgiving Saturday. And kaya ko ng sabihin na, oo, napatawad ko na yung Saturday.
Thank you Rowena sa pag-sama sa’kin. Love you!
Thank you Church Simplified for having this event. You can check their page here.
Cause when the time is right You’ll be here, but for now Dear no one, this is your love song
A friend suggested this song iba lang yung feels.
As if naman na kilala ako ni Tori Kelly at close kami.
As if naman na nakaka-chikahan ko s’ya about sa life ko ngayon.
As in naman na alam n’ya na nag-eexist ako.
As if naman na pinapahalagahan n’ya yung nararamdaman ko.
As if naman na concern s’ya sakin.
OO, kay Tori Kelly pa din yan!
To all my chikas out there na sinasabing good girl naman sila pero bakit wala pa yung soulmate nila, sa mga sinisi na sa traffic sa EDSA yung pagka-late ng forever nila, sa mga naiinip na… CHEERS! Hindi ka nag-iisa! 🙂
Hindi ko alam kung makikita mo ‘to or kung makita mo man hindi ko alam kung babasahin mo.
WAG KA MAGING TANGA!
Oo! all caps yan para intense. At para din mas may effect sa’yo (sana). Alam ko na alam mo yung situation. Alam ko na alam mo yung nangyayari at kung ano yung pwedeng mangyare. Alam ko na alam mo. Pero alam ko din na you let your emotions decide.
In my point of view, you’re trap in a room kung saan willing ka pumasok at nasa’yo yung susi para lumabas. The point is ayaw mo lang. OO, AYAW MO! enough of your reasons na ganito, na ganyan, dahil ang totoo, ayaw mo. Gusto mo kung nasan ka, kahit na hindi ka laging masaya, kahit na may times na nasasaktan ka, gusto mo pa din.
Please. Allow yourself na makaramdam ng pagmamahal from other people. Only then you will realize na ikaw lang ang nagkukulong sa sarili mo sa sitwasyon na yan. Please, please, please. Tigil na. Quota ka na sa pagiging tanga.
Sabi mo before, kaya mo. Siguro nga, kaya mo, pero ayaw mo naman. Feeling ko, kung kaya lang lumabas ng logical self mo, binatukan ka na. Baka tinulak ka pa.
‘Wag ka magpatali sa reason na ‘S’ya lang’. Kasi ang totoo, hindi lang s’ya. Marami pa iba na willing, if you just allow them, only if you allow yourself.
Naisip ko lang, helping someone is indeed on opportunity and a responsibility. Part ng responsibility yung sa sarili mo, make sure that you’re conviction is strong enough para sa’yo at sa taong tutulungan mo dahil two things might happen, Madadala mo s’ya sa pagiging okay or ikaw yung madadala n’ya.
Ayun lang. Basta nandito lang ako. Always. Hindi magsasawa na batukan ka. Ayun lang, kahit na tinawag kita na tanga, laaab pa din naman kita. Hahahaha ❤
What’s the sense of having something kung hindi mo naman ito matatawag na ‘sayo’?
I had an argument with a certain someone with regards to that statement.
Well, I still believe na may point yung argument ko. HAHAHAHA Kasi di ba ang isang bagay o kung anuman yan hangga’t hindi mo matatawag na sa’yo, pwede kunin o bawiin ng totong may-ari.